Miyerkules, Pebrero 27, 2013


Ang iyong paglisan ay aking dinadamdam
di ko naramdaman na ika'y nagpaalam
kung ikaw man ngayon ay nasa ibang kandungan
sana naman ako'y naturuan
Araw gabi ako'y luhaan
nais kong malaman kung ano ang dahilan
ngunit sadya yatang puso mo'y nakalaan
sa ibang taong iyong napupusuan
Hindi maintindihan kung bat nagkakaganyan
Ang ating sumpaan ay walang hangganan

Martes, Pebrero 26, 2013

Pag-Ibig na Wagas

I.
Ikaw ay dumating sa panahon ng kaLungkutan
Pinagwalang bahala ang iyong kagwapuhan
hindi ko alam kung ako'y babangon pa
hanggang ika'y dumating at aking makita .

II.
Labis na pagtibok nitong aking puso
nang makapiling ka mundo ko'y nabuo
ipinadama mo ang tunay na pagsuyo
kaya sigla ng aking buhay ay di humihinto .

III.
Pag-ibig na wagas alay ko sayo aking sinta,
hindi kayang pantayan anumang halaga
hindi mapapagod ang puso kong ibigin ka
kaya sayo lamang tumutungkol aking pagsinta

IV.
Sa akin ay sapat na ang iyong pagsinta
walang ibang iibigin hanggang may hininga
Pangako sa puso ko'y ikaw lamang sa tuwina
hanggang sa lubusang pumikit ang mga mata .



Manhid

I.
Puso ko'y nagdurusa
sa sakit na aking nadarama
ako'y nagpapasalamat dahil ika'y nakilala
kahit sakit sa damdamin ang yonh ipinadama

II.
Sakit ay di ko na kayang hawakan
kaya ito'y aking binitawan
ngayon ko lang nalaman
Luha lang pala ang katapat sa di maipaliwanag na kalungkutan

II.
Saktan mo man o pahirapan ng todo aking puso
Hinding hindi magbabago pagmamahal ko sayo
Kahit ako'y bnabalewala mo
patuloy akong magmamahal sayo.